Belle Tinkerbell
Facebook
Twitter
WhatsApp
Telegram
Pinterest
Email

Belle Tinkerbell

/ 10 | Philippines
2026 | Reality
Good music ang hatid ng “Tawag Ng Tanghalan” male champions na sina JM Yosures, Reiven Umali, JM Dela Cerna, Christian Tibayan, at Yannie Paul Basical. Pinagsama-sama ng limang powerhouse singers ang kanilang winning voices sa isang performance na perfect pampagaan ng mood bago sumabak sa weekend. Nagbabalik sa "It's Showtime" for a second chance sa Miss Q&A Resbakulawan sina Nadie Marie Fernandez, Miukie, at Belle Tinkerbell. Tumatak si Nadie dahil sa tawa niyang kakaiba. Natandaan naman ni Vice Ganda ang unique na pangalang Miukie. But arguably the most remarkable of the three, si Belle, na binansagang 'Sofronia Vasquez' ni Meme. Siya 'yung kandidata na sa pagpindot ay nahuli pero sa talak ang daming sinasabi. Hirit niya, baka pinabalik siya dahil awa, pero itinanggi 'yan ni Vice Ganda. Sabi ni Meme, nabitin daw ang lahat sa talak noon ni Belle. Pagkatapos ng Wit Lang, ang Top 2 na sina Nadie at Belle ang nag-face off sa Beklamation kung saan mayroon silang tatlumpung segundo para sagutin ang tanong tungkol sa epekto ng pagkawala ng taong minamahal. Naging emosyonal si Nadie na inalala ang nawalang pamangkin, at galing din sa puso ang chukchak ni Belle na nagpahayag naman ng pagmamahal sa ina. Dumayo sa Laro Laro Pick game arena ang mga taga-Barangay Batis, San Juan City. Hindi pasyal ang sadya nila kundi mga challenges na pwedeng magdala sa kanila sa POT money. Nakipagkuwentuhan ng hosts sa tricycle driver na si Viomar. Pero ang nagpakitang-gilas, walang iba kundi si Amy Perez, na daig pa ang tricycle driver sa kanyang knowledge. Ang mga pasikot-sikot na kalye sa Maynila, kabisado ni Tyang! Si Edwin ang nakarating sa Jackpot Round. Bago pa man ihain ang Li-Pot offer, buo na ang loob niyang ilaban ang ₱400,000 POT question anuman ang ialok sa kanya. #ShowtimeGroove #ItsShowtimeFullEpisode #ABSCBNEntertainment

You Might Also Like