Dalawang MAGKARIBAL na kandidata, nagtagpo sa Miss Q&A
Facebook
Twitter
WhatsApp
Telegram
Pinterest
Email

Dalawang MAGKARIBAL na kandidata, nagtagpo sa Miss Q&A

/ 10 | Philippines
2026 | Reality
Wala pang Pasko pero may paunang bonus na ang Madlang People at Solid Showtimers. Tanggapin ninyo ang regalong crystal-clear birit ng “TNT” divas na sina Marielle Montellano, Lyka Estrella, Arvery Lagoring, at Carmelle Collado! Koronang kumikinang ay ipuputong sa accla na sa chukchak ay magaling. Isa lang ang aangat, kaya dapat ang talak ay pak na pak. Mga beks, atack! For today's video, rumampa at rumatsada sina AR Duque, Rafa Manalang Ileto, at Billy Labitan Yadao. Sa Tumpak Ganern, hindi puwedeng tama lang ang sagot, dapat mabilis din ang mga kamay sa pagpindot. Kinapos sa speed si Rafa, kaya sina AR at Billy ang umabante sa next mission nilang ma-impress ang buong nation sa Wit Lang round. Nabunot ni Billy ang tanong na, “Okay lang ba maraming nafo-fall sa’yo pero kanal ka?” habang si AR naman ay napaisip sa playtime question na, “Okay lang ba titingalain ka ng marami pero butiki ka?” Samantala, kung si Ryan Bang ang may bitbit ng bowl of questions, may espesyal na tanong din siya para kay hurado Max Collins. Tumapatang ang oppa at bumanat sa magandang hurado sa harap niya. 'Yung coffee invite, mukhang mauuwi pa sa dinner. Abangan ang susund na kabanata! Mula Pasong Buaya 2, Imus, Cavite ang ating mga player! Sa Laro Laro Pick game area, swerte nila ay sana maging higher! At sa Act-Song, "Tadhana" nga ba ang gumawa ng paraan para sina Ryan at Cianne Dominguez ay magkabalikan? At, walang babaeng pinag-aagawan for today's video, pero hindi pa rin magkasundo sina Darren Espanto at Brent Manalo. Ang swerte ay kumapit kay Rocky, ang player na umabante sa jackpot round. Kuwento niya, may pinagdadaanan ang pamilya dahil nawalan sila ng kuryente sa bahay. At dahil sa problemang ito, naging praktikal si Rocky at tinanggap ang P25,000 Li-Pot offer. #ShowtimePaandarch #ItsShowtimeFullEpisode #ABSCBNEntertainment