It's Showtime
Facebook
Twitter
WhatsApp
Telegram
Pinterest
Email

It's Showtime

/ 10 | 12m | Philippines
2026 | Reality
Over sa hugot rakrakan ang performance ng Pop Rock Royalty na si Yeng Constantino sa “It’s Showtime,” fresh from her successful and trending 20th anniversary concert. Pero mula senti ay biglang napunta sa good vibes ang eksena nang mapansin ni Yeng na tila walang imik si Ryan Bang sa gedli! Uminit ang studio sa talakan ng mga Miss Q and A candidates. Another round of wit and wisdom and hatid nina Cheska Deyn, Drs. Ruth Qanal, at Stacey Doroteo sa pagpapatuloy ng Resbakulawan. Nagharap sina Stacey at Cheska sa Beklamation round, kung saan napunta sa mas seryosong usapan ang talakan dahil sa tanong na, “Itutuloy mo pa ba ang passion mo kung hindi ka naman kumikita dito?” Pareho sila ng pananaw bilang mga breadwinner, dahil para sa kanila, mahalagang may kinikita sila upang makatulong at makapag-provide para sa kanilang pamilya. Sa huli, mas nanaig ang sagot ni Stacey, na nasungkit ang korona bilang ResBAK of the day. Kahit maulan, mga bituin ay 'di nagpapigil sa pagkinang. Star-studded ang Thursday dahil sa Laro Laro Pick segment, biglang sumulpot sa eksena si Megastar Sharon Cuneta kasama pa si Barbie Forteza. Present din sa game arena ang mga taga-Sta. Mesa, Manila para sugalan ang POT money na umabot na sa P400,000. Ang delivery rider na si Nel ang umabante sa jackpot round. May extra boost of inspiration pa siyang nakuha mula sa girlfriend na nakilala dahil sa 'parcel.' #ShowtimeSeptemBETnaBET #ItsShowtimeFullEpisode #ABSCBNEntertainment

You Might Also Like